Pagbawas ng Panganib ng Impeksiyon sa Gitna ng Tainga
Karamihan sa mga bata ay nagkaraoon ng isang impeksiyon sa gitna ng tainga pagsapit ng edad na 2. Ang paggamot ay depende sa lala o pagkatalamak nito, maging sa kung gaano ito kadalas bumalik at gaano ito tumatagal.
Pagbawas ng dahilan ng panganib
May ilang kaugalian o kapaligiran ang nagpapadagdag ng panganib ng impeksiyon sa tainga ng iyong anak. Pagbawas ng dahilan ng panganib na ito ay makakatulong sa anumang pagitan ng paggamot. Ang mga tip sa ibaba ay makakatulong.
-
Kung ang iyong anak ay nagpupunta sa group daycare, siya ay may mas mataas na panganib na magkaroon ng sipon o trangkaso, na nagdudulot ng impeksiyon sa tainga. Iwasan ang mga sakit na ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa iyong anak na madalas na maghugas ng mga kamay.
-
Kung ang iyong anak ay may nasal allergy, sikapin mong makontrol ang alikabok, lumot, amag, at buhok ng hayop sa iyong bahay. Ihinto rin o lubos na limitahan na malapit ang iyong anak sa secondhand smoke.
-
Kung allergy sa pagkain ang problema, alamin ang pagkain na siyang nagsasanhi ng reaksiyon at tulungan ang iyong anak na iwasan ito.
Panonood at paghihintay
-
Kung ang iyong anak ay na-diagnose na may impeksiyon sa tainga, ang doktor ay magrereseta ng antibiotics at imumungkahi ang panahon ng “maingat na paghihintay.” Ito ay nangangahulugan ng hindi pabibigay ng preskripsiyon agad. Sa halip na antibiotics, ang pagsubok ng medikasyon upang bawasan ang sintomas kabilang ang para sa sakit o lagnat, ang ipapayo, kasama ng paghihintay ng ilang panahon kung bubuti ang bata ng walang antibiotic. Magreseta man o hindi ang iyong doktor ng agarang antibiotic o ng panahon ng maingat na pagbabantay, ito ay depende sa edad ng iyong anak at mga dahilan ng panganib.
-
Sa panahong ito, ang iyong anak ay dapat mabantayan upang makita kung ang kaniyang mga sintomas ay bumubuti at upang matiyak na ang mga bagong sintomas, gaya ng lagnat o pagsusuka, ay hindi bumangon. Kung ang bata ay hindi bumuti sa loob ng ilang araw o may bumangon na bagong sintomas, ang antibiotic ay kadalasang uumpisahan.
Online Medical Reviewer:
Ashutosh Kacker MD
Online Medical Reviewer:
Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer:
Tara Novick BSN MSN
Date Last Reviewed:
9/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.