Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-aalaga sa Iyong Sarili Pagkatapos ng Hysterectomy

Pagkatapos mong gumaling mula sa iyong hysterectomy, maaaring mas mabuti pa ang iyong pakiramdam kaysa sa mahabang panahon. Ang aktibo, malusog na pamumuhay at regular na medikal na pangangalaga ay makakatulong na mapanatiling mabuti ang iyong pakiramdam.

Ang Pagiging Intimate

Pagkatapos ng hysterectomy, ang pagtatalik ay maaaring maging kanais-nais katulad ng dati. Sundin ang mga tagubilin ng iyong surgeon sa kung kailan dapat simulan muli ang pagkikipagtalik. Ito ay kadalasan sa loob ng 4–8 linggo pagkatapos ng procedure. Iba pang uri ng seksuwal na aktibidad ay maaaring mas posible nang mas maaga. Kung ikaw ay nakakaranas ng panunuyo ng puwerta sa panahon ng pagtatalik, gumamit ng pampadulas. Tandaan na ang hysterectomy ay pumipigil ng pagbubuntis subalit hindi ka nito protektado laban sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Kung ikaw ay may anumang pag-aalala, talakayin ang mga ito sa iyong kapareha at sa iyong doktor.

Pag-alam sa Iyong mga Emosyon

Pagkatapos ng hysterectomy, maaaring kang makaramdam ng ginhawang ligtas sa mga sintomas. Maaari ka ring makaramdam ng kalungkutan ukol sa mga pagbabago ng iyong katawan. Kung natanggal ang iyong mga obaryo, ikaw ay maaaring sumailalim sa mga natural na mood swing habang ang iyong hormones ay nagbabago. Tandaan ang iyong pakiramdam araw-araw. Kausapin ang iyong doktor kung ikaw ay nag-aalala ukol sa mga emosyon na iyong nararamdaman.

Kasalukuyang Healthcare

Ang regular na pisikal na eksamen ay tumutulong na matiyak ang iyong pangkalahatang kalusugan at kapakanan.

  • Patuloy na kailangan mo ng palagiang eksamen sa suso at eksamen sa pelvic. Kabilang dito ang mga Pap test kung mayroon ka pang cervix.

  • Kung ikaw ay umiinom ng hormone therapy, kailangan mo ng follow-up na pagbisita sa iyong doktor upang isaayos ang iyong dosis.

Ano Ang Dapat Malaman Ukol sa Hormone Therapy

Ang hormone therapy (HT) ay medikasyon upang palitan ang hormones na ginagawa ng iyong mga obaryo. Ito ay maaaring ipayo sa iyo kung ang iyong mga obaryo ay tinanggal at hindi ka pa natural na nagmemenopos. Ang HT ay nakakabawas ng mga hot flashes, panunuyo ng puwerta, at iba pang sintomas ng menopos. Ito ay maaaring makabawas ng pagkawala ng buto at makabawas ng iyong panganib na magkaroon ng osteoporosis. Subalit ang HT ay maaari ring makadagdag ng panganib ng ilang uri ng problema sa kalusugan ng ilang kababaihan. Talakayin ang mga kabutihan at kasamaan ng HT sa iyong doktor.

Online Medical Reviewer: Goode, Paula, RN, BSN, MSN
Online Medical Reviewer: Image reviewed by StayWell art team.
Date Last Reviewed: 3/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames
About StayWell