Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Cyst sa Obaryo

Ang cyst ay karaniwang isang sac na puno ng likido, tulad ng isang maliit na lobo ng tubig. Halos palaging hindi nakapipinsala ang mga cyst, at marami ang kusang nawawala. Kadalasang mabagal na lumalaki ang mga ito. Maaaring maging iba't iba ang laki ng mga ito mula sa kasing liit ng gisantes hanggang mas malaki pa sa suha. Marami ang sadyang walang sintomas. Kadalasang nadarama ang mga ito sa panahon ng pagsusuri ng balakang. Kadalasang hindi kanser ang mga cyst sa obaryo.   

Functional cyst

Ang functional cyst ang pinakakaraniwang uri ng cyst. Nabubuo ito kapag ang follicle ay hindi naglabas ng magulang na itlog o patuloy na lumalaki pagkatapos ilabas ang itlog. Kadalasang nangyayari ang mga functional cyst sa isang obaryo lamang sa isang pagkakataon. Kadalasang kusang lumiliit ang mga ito sa loob ng 1 hanggang 3 buwan. Bihirang kaso na puputok (masisira) ang cyst, na magdudulot ng pananakit. Maaaring ang pananakit ay sanhi rin ng pagtabingi ng isang obaryo na lumaki dahil sa cyst na lumaki rito. 

Harapang kuha ng obaryo na ipinakikita ang bukol sa obaryo.

Dermoid cyst

Kung minsan ang mga selula na naroon na mula sa pagkapanganak ay magsisimulang lumaki sa iba't ibang uri ng tisyu tulad ng balat, taba, buhok, at ngipin. Ang ganitong uri ng cyst ay tinatawag na dermoid cyst. Maaaring lumaki ang mga dermoid cyst sa isa o dalawang obaryo. Kadalasang walang sintomas ang mga ito. Ngunit kung tumagas ang mga ito o naging tabingi ang obaryo, maaaring magdulot ang mga ito ng matinding pananakit.

Cross section ng obaryo na ipinakikita ang dermoid cyst.

Endometrioma

Kung minsan ang tisyu na katulad ng lining ng matris (endometrium) ay lumalaki at nagiging bahagi ng obaryo. Ang ganitong uri ng cyst ay tinatawag na chocolate cyst dahil sa kulay nitong matingkad na kayumanggi. Maaaring lumaki ang mga cyst na ito sa isa o magkabilang obaryo. Kadalasang nagdudulot ang mga ito ng pananakit, lalo na sa panahon ng pagreregla o kapag nakikipagtalik.

Harapang kuha ng obaryo na may endometrioma.

Nagagamot na cystadenoma

Kung lumalaki ang kapsula na nakapalibot sa obaryo, maaari itong mabuo sa cycstadenoma. Maaaring lumaki ang mga cyst na ito sa isa o parehong obaryo. Kadalasang walang sintomas ang mga ito kung maliliit ang mga ito. Ngunit kapag lumaki na, maaaring itulak ng mga ito ang mga organ na malapit sa mga obaryo, na nagsasanhi ng pananakit. Maaari ding maging sanhi ng pananakit sa pamamagitan ng pagbanat sa kapsula ng obaryo. Ang cyst na tumutulak sa pantog ay maaaring magsanhi ng madalas na pag-ihi. Kung minsan pumuputok ang mga cyst na ito at dumudugo.

Harapang kuha ng obaryo na ipinakikita ang hindi malubhang cystadenoma.

Nakamamatay na mga cyst

Maaari salakayin ng mga cyst na ito ang iba pang tisyu o kumalat sa ibang mga bahagi ng katawan.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames
About StayWell