Kailan Gagamitin ang Emergency Department (ED)
Ang emergency ay nangangahulugang ikaw ay pwedeng mamatay kung ikaw ay hindi makakuha ng agarang pangangalaga. O ikaw ay permanenteng mapinsala (disabled). Basahin ang ibaba upang malaman kung kailan dapat gamitin — at kailan hindi dapat gamitin — isang departamento ng emergency (tinatawag ding ED).

Mga Panganib sa Iyong Buhay
Ito ang mga halimbawa ng emergency. Ang mga ito ay nangangailangan ng agarang pangangalaga:
Mga Panganib ng Permanenteng Pinsala
Ito ang iba pang mga emergency: Ang mga ito ay nangangailangan din ng agarang pangangalaga:
-
Malalim na hiwa o malubhang pagkasunog
-
Baling buto, o labis na pananakit na biglaan at pamamaga ng kasukasuan.
Kapag Ito ay Isang Emergency
Kung ikaw ay mayroong emergency, sundin ang mga sumusunod:
1. Pumunta sa Pinakamalapit na ED
-
Kung kaya mo, pumunta agad sa pinakamalapit na ED ng ospital.
-
Kung hindi ka agad makararating doon, o kung hindi ligtas na dalhin ang sarili, tumawag sa 911 o sa numero ng emergency ng inyong pulis.
2. Tawagan Ang Iyong Pangunahing Doktor
-
Sabihin sa iyong doktor ang tungkol sa emergency. Tumawag sa loob ng 24 oras ng pagpunta sa ED.
-
Kung hindi makakatawag, mag-atas ng iba na maaaring tumawag para sa iyo.
-
Pumunta sa iyong doktor (hundi sa ED) para sa anumang follow up na pangangalaga.
Kapag Ito ay HINDI Emergency
Kung ang isang problema ay hindi emergency, sundin ang mga sumusunod:
1. Tawagan Ang Iyong Pangunahing Doktor
-
Kung hindi alam ang pangalan ng iyong doktor, tawagan ang iyong health plan.
-
Kung hindi makakatawag, mag-atas ng iba na maaaring tumawag para sa iyo.
2. Sundin ang mga Tagubilin
-
Ang iyong doktor ang magsasabi sa iyo ng mga dapat mong gawin.
-
Ikaw ay maaaring sabihan na makipagkita sa iyong doktor kaagad. Ikaw din ay maaaring sabihan na magpunta sa ED. O ikaw ay maaaring sabihan na tumungo sa isang urgent care center.
-
Sundin ang payo ng iyong doktor.
Online Medical Reviewer:
Brown, Kim, APRN
Online Medical Reviewer:
Duldner, John E., MD, MS
Date Last Reviewed:
7/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.