Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Diyabetis: Pag-unawa sa Carbohydrates, Taba, at Protina

Ang pagkain ay pinagmumulan ng enerhiya at sustansiya ng iyong katawan. Ito ay pinagmumulan din ng kaluguran. Ang pagkakaroon ng diyabetis ay hindi nangangahulugan na kailangan mong kumain ng mga espesyal na pagkain o hindi na kumain ng mga panghimagas. Sa halip, ang iyong dietitian ay maaaring magpakita sa iyo kung paano ang pagplano ng mga pagkain na angkop sa iyo. Upang magsimula, matuto kung paano nakakaapekto ang iba’t ibang pagkain sa sugar ng dugo.

Carbohydrates

Ang mga carbohydrates ang pangunahing pinagmumulan ng enerhiya para sa katawan. Pinapataas ng carbohydrates ang sugar sa dugo. Maraming tao ang nag-aakala na ang carbohydrates ay mula lamang sa pasta o tinapay. Ngunit ang carbohydrates ay karaniwang matatagpuan sa maraming uri ng pagkain.

  • Ang sugars ay natural na matatagpuan sa mga pagkain tulad ng prutas, gatas, pulot at molasses. Ang asukal ay maaari ring idagdag sa maraming pagkain, mula sa cereals at yogurt, maging sa kendi at mga panghimagas. Pinapataas ng asukal ang sugar sa dugo.

  • Ang starches ay matatagpuan sa tinapay, cereals, pasta, at pinatuyong beans. Matatagpuan din ang mga ito sa mais, peas, patatas, yam, kalabasang acorn at kalabasang butternut. Pinapataas din ng starches ang sugar sa dugo.

  • Ang fiber ay matatagpuan sa mga pagkain tulad ng gulay, prutas at whole grains. Hindi katulad ng ibang carbs, ang fiber ay hindi natutunaw at nasisipsip ng katawan. Kaya ito ay hindi nakakapagpataas ng sugar sa dugo. Sa katunayan, ang fiber ay nakakatulong na pigilan ang sugar sa dugo mula sa pagtaas ng mabilis. Nakakatulong din ito na panatilihin sa malusog na lebel ang kolesterol sa dugo.

Alam Mo Ba?

Kahit na ang carbohydrates ay nakapagpapataas ng sugar sa dugo, nakabubuti na isama ito sa bawat pagkain. Ang mga ito ay importanteng bahagi ng isang masustansiyang diyeta.

Taba

Ang taba ang pinagmumulan ng enerhiya na nakaimbak at ginagamit lamang kung kinakailangan. Hindi pinapataas ng taba ang sugar sa dugo. Gayunman, maaari nitong pataasin ang kolesterol, na pinapataas ang panganib sa pagkakaroon ng sakit sa puso. Ang taba ay mataas din sa kaloriya, na nagdudulot ng pagdagdag sa timbang. Hindi parepareho ang lahat ng uri ng taba.

Mas Nakapagpapalusog

  • Monounsaturated fats ay mga taba na matatagpuan sa mga mantika mula sa gulay tulad ng olive, canola, at mantika mula sa mani. Matatagpuan din ito sa abukado at ilang mga mani. Ang mga monounsaturated fats ay mainam para sa iyong puso. Ito ay dahil sa pinapababa nito ang LDL (masama) na kolesterol.

  • Polyunsaturated fats ay karaniwang matatagpuan sa mga mantika ng gulay tulad ng mais, safflower, at soybean na mantika. Matatagpuan din ito sa ilang buto, mani at isda. Pinapababa ng polyunsaturated fats ang LDL (masama) na kolesterol. Kaya sa pagpili sa mga ito sa halip na saturated fats ay nakapagpapalusog sa iyong puso.

Hindi Gaanong Nakapagpapalusog

  • Saturated fats ay matatagpuan sa langis mula sa karne, manok, whole milk, mantika at mantikilya. Ang saturated fats ay nakapagpapataas ng LDL cholesterol at hindi nakabubuti sa iyong puso.

  • Hydrogenated oils ay mga trans fats na nabubuo kapang ang langis mula sa gulay ay naproseso upang maging solidong taba. Ang mga ito ay matatagpuan sa mga naprosesong pagkain. Ang hydrogenated na langis at trans fats ay nakapagpapataas ng LDL na kolesterol at nakapagpapababa ng HDL (mabuti) na kolesterol. Ang mga ito ay hindi mabuti para sa iyong puso.

Protina

Ang protina ay nakakatulong na patibayin at kumpunihin ang mga kalamnan at iba pang tisyu. Ang protina ay wala o may kaunting epekto lamang sa sugar sa dugo. Gayunman, ang mga pagkaing naglalaman ng protina ay karaniwang naglalaman din ng saturated fats. Sa pagpili ng mga pagmumulan ng protina na mababa sa taba, makukuha mo ang mga benepisyo ng protina ng wala ang ekstrang taba.

  • Ang mga protino sa halaman ay matatagpuan sa mga beans at peas, mani at mga produktong soy katulad ng tofu at soymilk. Ang mga pinagmumulan na ito ay karaniwang walang kolesterol at mababa sa saturated fat.

  • Ang mga protina sa hayop ay matatagpuan sa isda, manok, karne, keso, gatas, at mga itlog. Ang mga ito ay naglalaman ng kolesterol at maaaring mataas sa saturated fat. Maglayon ng walang taba o mababa sa tabang mga pagpipilian.

Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed: 4/1/2019
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames
About StayWell